Nagnegatibo sa COVID-19 si Senadora Leila de Lima kasunod nang inaprubahang medical furlough na ginawad sa mambabatas.

Ito’y inanunsyo ni Atty. Fhillip Sawali, ang chief of staff ni De Lima.

Nitong Sabado ay dinala na si De Lima sa Manila Doctors Hospital para masuri ang kalagayan nito matapos makaranas ng panghihina at pananakit ng ulo.

Ayon kay Dr. Meophilia Santos-Cao, nakita ang posibilidad na mild stroke ang naranasan ni De Lima kaya’t nirekumendang isalang ito sa MRI.

Tatlong araw ang ibinigay kay De Lima para ma-check up bago ibalik sa Philippine National Police Custodial Center kung saan siya nakadetine.

The post De Lima negatibo sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/de-lima-negatibo-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=de-lima-negatibo-sa-covid)