Pumalo na sa tatlong milyon ang bilang ng mga indibidwal sa buong daigdig na nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.

3,007,838 ang partikular na bilang ngayong Linggo ng umaga, Abril 18, batay sa datos ng Center for Systems Science and Engineering sa Johns Hopkins University.

Nangunguna sa listahan ang Amerika na may 566,875 deaths, sumunod ang Brazil (371,678) at Mexico (211,693).

Samantala, ayon din sa JHU-CSSE dashboard, 140,404,608 na ang nahawa habang 80,023,294 na ang gumaling worldwide mula sa COVID-19.

Base sa dashboard, 192 mga lugar na sa mundo ang apektado nitong pandemya, kabilang ang Pilipinas na may 926,052 kaso, 706,532 nakarekober at 15,810 yumao.

The post Dedo sa mundo dahil sa COVID-19 higit 3M na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dedo-sa-mundo-dahil-sa-covid-19-higit-3m-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dedo-sa-mundo-dahil-sa-covid-19-higit-3m-na)