Kulang ng 4,300 guidance counselor ang pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon kay Anakalusugan Rep. Michael Defensor 80 porsyento o 4,302 sa 5,398 guidance counselor position sa ilalim ng Department of Education (DepEd) ang bakante.

“Congress should fix the problem by bumping up the pay for the entry level position of Guidance Counselor I by 53 percent, or by five notches, from Salary Grade (SG) 11 to SG 16,” ayon kay Defensor.

Ang SG 11 ay katumbas ng P23,877 buwanang sahod at ang SG 16 ay P36,628.

Dapat din umanong itaas sa SG 23 (P76,907) ang sahod ng Guidance Services Specialist IV, ang pinakamataas na posisyon ng guidance counselor mula sa SG 22 (P68,415) ayon kay Defensor.

“Once we raise the pay grades, the DepEd will be able to attract more applicants for guidance counselors, including those from the ranks of qualified teachers laid off on account of the closure of hundreds of private schools,” ani Defensor.

Sa panuntunan ng DepEd ang school guidance counselor ay dapat lisensyadong professional teacher at mayroong master’s degree.

“There’s no question many students are having a hard time coping with remote modular as well as online learning, mainly due to the lack of social interaction,” dagdag pa ng solon. “We need more guidance counselors to reach out and listen to students who may feel isolated and need encouragement to complete assigned tasks.”

Sinabi ni Defensor na nawalan ng trabaho ang may 4,488 guro matapos na magsara ang 865 pribadong eskuwelahan na kanilang pinapasukan dahil sa konti ng nag-enroll at kawalan ng kakayanan na makasunod sa distance learning system.

The post Defensor: Mga public school kulang ng guidance counselor first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/defensor-mga-public-school-kulang-ng-guidance-counselor/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=defensor-mga-public-school-kulang-ng-guidance-counselor)