Ipinahihinto ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccine sa mga edad 60 pataas.

Ito ang rekumendasyon ng FDA sa Department of Health (DOH) matapos na makita ang side effect mula sa naturang bakuna, na may kinalaman sa pamumuo ng duga.

Ayon kay FDA director general Eric Domingo, nakita ng European Medicines Agency na 16 sa kada 200 milyong katao ang nakakaranas ng blood clot o hindi kaya’y bumababa ang platelet count kapag nabakunahan ng AstraZeneca.

“Nakikita ito usually sa kababaihan na less than 60 years old. We asked DOH na kung may natitira pang Astrazeneca vaccine, siguro huwag na muna natin gamitin sa people under 60 years old until we get clearer evidence and guidance from WHO (World Health Organization) and our experts,” ayon kay Domingo.

Paglilinaw naman ni Domingo, sa mga nabakunahan ng AstraZeneca sa Pilipinas, wala pang nakikitang kaso ng blood clot o pagbaba ng platelet count.

The post Delikado side effect! AstraZeneca huwag gamitin sa mga senior citizen – FDA sa DOH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/delikado-side-effect-astrazeneca-huwag-gamitin-sa-mga-senior-citizen-fda-sa-doh/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=delikado-side-effect-astrazeneca-huwag-gamitin-sa-mga-senior-citizen-fda-sa-doh)