Winarningan ng Department of Education sa Central Luzon ang madla laban sa mga nagpapanggap na nagso-solicit para sa mga tauhan ng ahensya na tinamaan ng COVID-19.

Sa kanilang Abril 8 advisory, binanggit ng DepEd na nakatanggap sila ng ulat na may ilang indibidwal na nanghihingi ng donasyong pera gamit ang pangalan ng ilang regional official ng ahensya.

Paglilinaw ng DepEd, ang inawtorisa lang nila na solicitation ay para sa ilang tauhan ng Schools Division Office ng Zambales, matapos higit 40 kawani ng DepEd na dumalo ng seminar doon ang sapul ng COVID-19.

Ang donasyon ay dapat anilang mai-deposit lang sa bank account ng treasurer ng Zambales Public School Teachers’ Association.

The post DepEd nagbabala vs. pekeng solicitation first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/deped-nagbabala-vs-pekeng-solicitation/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=deped-nagbabala-vs-pekeng-solicitation)