Nananahimik umano ang Department of Education sa 77 araw na sosobra sa pagtatrabaho ng mga guro sa pampublikong paaralan ngayong school year.

Ayon kay Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro dapat linawin ng DepEd kung ano ang plano nito sa sobrang itatrabaho ng mga guro dahil sa pabago-bagong pagsisimula at pagtatapos ng klase.

“Our public school teachers would have been working for almost 13 months without an official summer break or vacation,” wika ni Castro.

Nagsimulang magtrabaho ang mga guro noong Hunyo 1, 2020 at matatapos ang klase sa Hulyo 10, 2021. Sa ilalim ng batas ay 220 ang maximum na araw ng pasok sa isang school year.

Dahil mayroong bakasyon, ang mga guro sa pampublikong paaralan ay walang sick leave at vacation leave gaya ng ibang empleyado ng gobyerno. Tinatawag itong Proportional Vacation Pay.

“We wrote a letter to the Department of Education last April 9 to seek clarification on this matter. Unfortunately, the education department has yet to reply to our letter,” ayon pa kay Castro.

The post ‘DepEd tameme sa 77 araw na sobrang trabaho ng mga guro’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/deped-tameme-sa-77-araw-na-sobrang-trabaho-ng-mga-guro/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=deped-tameme-sa-77-araw-na-sobrang-trabaho-ng-mga-guro)