Tinitingnan na ng Department of Foreign Affairs ang nangyaring panghahabol ng tatlong saksakyang-pandagat ng China sa news team ng ABS-CBN sa West Philippine Sea.

“Philippine authorities are looking into reports of Chinese vessels are looking into reports of Chinese vessels chasing after a television crew aboard a Philippine vessel in the West Philippine Sea,” ayon sa pahayag ng DFA.

Saad ng ahensya, kung mapatunayan na totoo ang nangyaring insidente ay kanilang pagpapaliwanag ang Chinese government.

Nagpasalamat naman ang DFA na ligtas ang ABS-CBN news crew at ang mga tauhan ng kanilang sinakyan na barko.

Matatandaan na ini-report ni Chiara Zambrano noong Huwebes ang paghabol ng tatlong Chinese vessel sa kanilang barko habang papunta silang Ayungin Shoal.

Napag-alaman na parte pala ng Chinese Navy ang mga naturang barko na nagbabantay sa West Philippine Sea.

The post DFA aaksyunan paghabol ng 3 Chinese vessel sa ABS-CBN crew first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dfa-aaksyunan-paghabol-ng-3-chinese-vessel-sa-abs-cbn-crew/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dfa-aaksyunan-paghabol-ng-3-chinese-vessel-sa-abs-cbn-crew)