Para kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., hindi kailangan ng kapatawaran ni Angel Locsin.

Anang DFA chief, sinubukan lamang ng aktres na makatulong sa iba.

“No forgiveness needed; at least she tried to feed them; one was so starved and weak she couldn’t feed him in time,” tweet ni Locsin Biyernes ng gabi.

Dagdag ng top diplomat, dapat umanong sisihin ang mga walang ginagawa para makatulong sa kapwa.

“Blame those who don’t do what she and others like her—like my friends from the very start of the pandemic—are trying to do: feed the hungry and not their egos,” dagdag ni Locsin.

Reaksyon ito ni Locsin matapos isang senior citizen ang namatay nang pumila sa birthday community pantry ng aktres sa Quezon City kahapon, Abril 23.

Humingi na ng paumanhin si Angel sa nangyari at umamin sa pagkakamali.

The post DFA chief pinagtanggol si Angel Locsin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dfa-chief-pinagtanggol-si-angel-locsin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dfa-chief-pinagtanggol-si-angel-locsin)