Para sa isang opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG), hindi pa sapat ang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at mga kalapit na lugar.

“Almost 2 weeks na tayo pero ‘di pa natin ganap na nararamdaman ‘yung epekto nito so probably another week will be enough,” saad ni DILG officer-in-charge Bernardo Florece Jr. sa panayam ng TeleRadyo.

“Pero at the end of the day, of course ang nagde-debate dyan members ng IATF at inaaral talaga kung ano ang rekomendasyon pero babase talaga sa available data sa science. ‘Yun ang pinagbabasehan ng IATF,” aniya pa.

Inaasahan na matapos na ang ECQ sa April 11, ngayong Sabado mag-uusap ang task force para sa magiging susunod na quarantine status sa Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan at Rizal.

Nitong Biyernes, nai-report ng Department of Health ang record-high na 401 death sa loob ng isang araw, akyat naman sa higit 178,000 ang aktibong kaso ng COVID-19.

The post ‘Di pa ramdam epekto! ECQ extend ulit ng 1 linggo – DILG official first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/di-pa-ramdam-epekto-ecq-extend-ulit-ng-1-linggo-dilg-official/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=di-pa-ramdam-epekto-ecq-extend-ulit-ng-1-linggo-dilg-official)