Abot na sa 3.4 milyong benepisyaryo ang nakatanggap ng ayuda dahil sa nagdaang enhanced community quarantine (ECQ).

“Gumanda na po, bumilis na po yung ating pamimigay ng ayuda. Sa NCR po, 3.4 million beneficiaries na po ang ating nabigyan ng ayuda which is equivalent to P3.4 billion,” ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya.

Ang mga nabigyan ng ayuda ay nakatanggap ng P1,000 kada tao.

Target ng gobyerno na mapagkalooban ang higit 22 milyong benepisyaryo sa mga lugar na nalagay sa ECQ, kasama dito ang NCR, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

The post DILG: 3.4M Pinoy nabigyan na ECQ ayuda first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-3-4m-pinoy-nabigyan-na-ecq-ayuda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dilg-3-4m-pinoy-nabigyan-na-ecq-ayuda)