Matatapos bago ang May 15 extended deadline ang pamamahagi ng tulong pinansiyal sa mga residenteng naapektuhan ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa Metro Manila at apat karatig probinsya.

“The distribution is well ahead of deadline, some NCR LGUs can finish the distribution by the end of the month,” pahayag ni Department of the Interior and Local Government spokesman Jonathan Malaya sa panayam sa DZBB ngayong Sabado.

Binigyang-diin niya na hindi na inaasahang palalawigin pa ang May 15 deadline.

Aniya, nasa 66.87% na ang distribution rate noong Biyernes o P7,471,426,000 halaga na ang naipamahaging tulong.

Sa National Capital Region pa lamang aniya ay 11,172,988 katao na ang nakatanggap ng cash aid, hindi pa kasama ang mga nasa Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

Dagdag niya, ang top 5 lungsod na mabilis sa pagbibigay ng ayuda ang Mandaluyong, San Juan, Caloocan, Manila at Quezon City.

The post DILG: Bigay ayuda sa Metro Manila, 4 lalawigan abot sa deadline first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-bigay-ayuda-sa-metro-manila-4-lalawigan-abot-sa-deadline/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dilg-bigay-ayuda-sa-metro-manila-4-lalawigan-abot-sa-deadline)