Sa pagitan ng ilang oras, nag-iba ang tono ni DILG Undersecretary Martin Diño hinggil sa pangangailangan ng permit ng mga magtatayo ng community pantry.

Sa isang panayam ngayong Martes, binanggit ng kalihim na “I think now, they need a permit from the local [government], from the mayor or the barangay” para aniya matiyak na maipatutupad ang mga health protocol kontra COVID-19 sa mga pantry.

Tapos, sa isang mensahe naman sa News5, Abril 20 din, sinabi ni Diño na:

“No need na ang permit. Just coordinate with your barangay if na endangered na ang health protocols sa pagdami ng kumukuha ng tulong sa mga community pantry.”

Nagsulputan kamakailan ang community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kung saan libreng makakukuha ng pagkain ang sinumang mangailangan at malaya ring nakapagbibigay ang sinumang kayang mag-donate.

Pero pansamantalang tinigil ni organizer Ana Patricia Non ang operasyon ng unang community pantry, ang Maginhawa Community Pantry, dahil sa nagaganap na red-tagging.

The post DILG usec binawi pahayag: Permit sa community pantry no need na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dilg-usec-binawi-pahayag-permit-sa-community-pantry-no-need-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dilg-usec-binawi-pahayag-permit-sa-community-pantry-no-need-na)