Ang bilang ng mga taong nagpositibo sa COVID-19 sa India ay sumipa na sa 15 milyon.

15,061,919 ang eksaktong bilang ng mga kaso sa nasabing bansa na ayon sa Center for Systems Science and Engineering sa Johns Hopkins University ay pangalawa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng mga coronavirus patient sa buong mundo.

Samantala, saad pa ng JHU-CSSE sa dashboard nito, 12,953,821 na ang gumaling habang 178,769 na ang namatay sa India dahil sa COVID-19.

The post Dinapuan ng COVID sa India talon sa 15M first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dinapuan-ng-covid-sa-india-talon-sa-15m/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dinapuan-ng-covid-sa-india-talon-sa-15m)