“Kahit ano pa ang paniniwala, basta taos-pusong tumutulong, susuportahan natin.”

Bahagi ito ng tweet ni Department of National Defense Secretary habang sinasabing handa silang magpadala ng AFP Mobile Kitchen para masagad ang tulong na ibibigay sa mga Pinoy na apektado ng pandemya.

“Kindness is everyone’s color. Kahit ano pa ang paniniwala, basta taos-pusong tumutulong, susuportahan natin,” ayon sa kalihim.

“The DND appreciates and supports these community pantries. We are ready to assist if requested and, if necessary, to deploy the AFP Mobile Kitchens where they are needed,” dagdag niya.

Binanggit ito ni Lorenzana sa kasagsagan ng isyu ng red-tagging ng dalawang tagapagsalita ng National Task Force to End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sina Undersecretary Lorraine Badoy at Army Lt. Gen. Antonio Parlade, laban kay Ana Patricia Non, ang nagpasimula ng sikat na Maginhawa Community Pantry.

The post DND suportado mga community pantry – Lorenzana first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dnd-suportado-mga-community-pantry-lorenzana/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dnd-suportado-mga-community-pantry-lorenzana)