Nilinaw ng Department of Health (DOH) na expanded testing ang pinapanawagan nila na maisagawa at hindi mass testing.

Ito’y matapos aminin ng ahensya na may pangangailangan na palawakin ang COVID-19 testing sa bansa, kabilang ang pagha-house-to-house test sa mga may sintomas ng sakit o sa mga na-expose sa coronavirus-positive na pasyente.

“Gusto ko lang klaruhin: hindi natin sinabi na we are not testing that’s why, kaya po ganito ang ating mga datos at kailangan na mag-shift ng mass testing. Ang ibig ho nating sabihin, gusto nating palawakin pa ang pagte-test natin. But this is not mass testing,” ani DOH Undersecretary Ma. Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing, Sabado.

“Ang gagawin po natin, ‘yun pong pagbabahay-bahay is for us to identify immediately those individuals who are sick para matanggal na po natin sila sa kanilang bahay kung sakali at mai-isolate natin sila. So by doing this, ‘yung pagte-test po natin is still targeted.”

“Pupunta tayo sa mga bahay, kung sino po ‘yung dapat natin i-test because they have symptoms or they were exposed, ‘yun po ang ite-test natin. But this is not mass testing,” aniya pa.

Sa ngayon, may 989,380 kaso na ng COVID-19 sa Pilipinas, kabilang ang 89,485 aktibong kaso.

The post DOH ayaw pa rin sa COVID mass testing first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-ayaw-pa-rin-sa-covid-mass-testing/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-ayaw-pa-rin-sa-covid-mass-testing)