Magiging ‘wastage’ na ang 30 vial ng bakuna na nakaimbak sa nasunog na Misamis Oriental Provincial Health Office.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, ang mga naturang bakuna ay posibleng hindi na mapakinabangan dahil na rin sa init ng temperatura sa nangyaring sunog.

“Most probably, dahil nagkaroon ng sunog, temperature was high, so hindi na po natin iri-risk na tingnan pa at gamitin ang bakuna dahil nabago na po ang temperatura kung sakali unless the storage of the vaccines ay malayo sa pinangyarihan ng sunog,” ayon kay Vergeire.

“Ivestigation is being done kung ano po ang nangyari talaga at kung ano ang status ng mga bakuna. But most probably this will be considered wastage already,” aniya pa.

Ayon kay Vergeire, 300 katao sana ang makikinabang sa mga bakuna na nadamay sa sunog.

The post DOH: COVID bakuna sa nasunog health office ‘di na gagamitin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-covid-bakuna-sa-nasunog-health-office-di-na-gagamitin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-covid-bakuna-sa-nasunog-health-office-di-na-gagamitin)