Dapat umanong tanggapin at magpakatotoo ang Department of Health (DOH) sa tunay na sitwasyon ng pandemyang coronavirus sa bansa.

Ayon kay House Deputy Minority Leader and Marikina Rep. Stella Luz Quimbo hindi alam ng DOH ang tunay na dami ng mga nahawa ng COVID-19 sa bansa dahil sa limitadong testing.

Ang mga numerong hawak ng DOH ay batay lamang sa mga nagpa-test at hindi ang totoong kalagayan ng bansa kaya hindi nakagagawa ng angkop na solusyon.

“The DOH must accept at this point that the wheel is broken, and it needs major fixing,” ani Quimbo. “At ang tamang datos at impormasyon ay kinakailangan para makapaglatag ng mas epektibong polisiya ang mga kinauukulan. RT-PCR tests continue to be expensive at 4K-10k per test, and PhilHealth coverage continues to be ineffective.”

Sinabi ni Quimbo na masasayang lang ang Enhance Community Quarantine (ECQ) kung hindi babaguhin ng DOH ang pagharap nito sa problema dahil malinaw umano na hindi ito epektibo.

Mas makabubuti rin umano kung magkakaroon ng household lockdown upang mas naka-focus ang atensyon sa mga nahawa ng COVID-19 na dapat bigyan ng sapat na tulong para hindi mapilitang lumabas.

Magagamit din umano ang mga barangay health worker sa pagbabantay sa mga naka-household lockdown.

“Keeping lockdown at the household level will allow LGUs to not only target their meager resources effectively but more importantly, it will allow LGUs to properly track and record the correct number of COVID cases in their areas,” ani Quimbo.

The post DOH dapat magpakatotoo sa sitwasyon ng ‘Pinas – Quimbo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-dapat-magpakatotoo-sa-sitwasyon-ng-pinas-quimbo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-dapat-magpakatotoo-sa-sitwasyon-ng-pinas-quimbo)