Naglunsad ang Department of Health (DOH) ng “Check the FAQs” page sa kanilang website upang magkaroon ang mga Pilipino ng mapagkukunan ng mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa COVID-19 at bakuna.

Nagpahayag ng suporta para sa ChecktheFAQs campaign ang Facebook, Google, TikTok at Twitter dahil nakalinya ang kampanya ng DOH sa kani-kanilang misyon na labanan ang mga maling impormasyon tungkol sa COVID-19 at sa bakuna online.

Ang pagpapakalat ng tamang impormasyon ay maaaring makasagip ng buhay, ayon kay Beverly Lorraine Ho, director ng Disease Prevention and Control Bureau at Health Promotion Bureau.

Nagpasalamat sila sa Facebook, Google, TikTok at Twitter sa pakikibaka sa kanila sa pagsusumikap na magpakalat ng tamang impormasyon.

Kaya naman hinikayat ng DOH ang publiko na mag-fact check dahil mahalaga anila ang tumpak na impormasyon sa laban sa COVID-19 pandemic.

“Whenever you see or hear new information, we encourage everyone to #ChecktheFAQs,” ani Ho.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bisitahin ang doh.gov.ph.

The post DOH, FB, Google, TikTok, Twitter kapit-bisig kontra ‘vaccine misinformation’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-fb-google-tiktok-twitter-kapit-bisig-kontra-vaccine-misinformation/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-fb-google-tiktok-twitter-kapit-bisig-kontra-vaccine-misinformation)