Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi kailangang magsuot ng face shield ang mga siklista at iba pang active transport user.

Ito’y kasunod ng pag-aresto sa isang doktor sa Cainta dahil hindi nakasuot ng face shield habang sakay ng kanyang bisikleta.

Base sa section II(B)(6) ng DOH Department Memorandum No. 2020-0534, ang mga indibiduwal na gumagawa ng ‘strenuous activities/work, fine workmanship, operation of transportation vehicles, and active transport’ ay hindi kailangang maglagay ng face shield.

Nakasaad din sa isang joint memorandum circulat mula sa iba’t ibang ahensya na ang pagsusuot ng face shield ay posibleng makasagabal sa paningin ng mga siklista at iba pang gumagamt ng active transport.

“The DOH further reminds active transport users that the use of face masks; and the observance of physical distancing, respiratory hygiene practices, and other appropriate health interventions must continue to be practiced while cycling or engaging in other forms of active transport,” saad ng ahensya.

Nitong Miyerkoles ay sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana na pinakawalan na ang doktor na hinuli dahil walang face shield.

The post DOH: Mga siklistang walang face shield ‘wag arestuhin first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-mga-siklistang-walang-face-shield-wag-arestuhin/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-mga-siklistang-walang-face-shield-wag-arestuhin)