Pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang rekomendasyon ng mga eksperto na agad mabakunahan ang mga pasyenteng gumaling sa COVID-19.

Sabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang rekomendasyon ng mga health expert ay bunsod ng bagong pag-aaral tungkol sa pagbabakuna matapos makarekober at sa pagtingin sa laganap na community transmission sa Metro Manila.

“Ang rekomendasyon ngayon at gagawin nating pag-aaral at pag-uusapan para makakuha ng approval would be immediately after the patient has recovered, you can already provide or give the vaccine. Pero kailangan pa po nating ilagay ito sa protocol,” sambit ni Vergeire sa online press briefing ngayong Miyerkoles.

Sakop daw nito ang lahat ng COVID-19 patient na nakarekober at naka-schedule nang bakunahan.

The post DOH target agad bakunahan nakarekober sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/doh-target-agad-bakunahan-nakarekober-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=doh-target-agad-bakunahan-nakarekober-sa-covid)