Salungat sa nauna nitong pahayag, sinabi ng Department of Science and Technology na magsasagawa ang bansa ng clinical trial para mapatunayan kung epektibo nga bang panggamot ang ivermectin laban sa COVID-19.

Banggit ni DOST Secretary Fortunato dela Peña, Lunes, nagkasundo sila ni Health Secretary Francisco Duque III sa paghahanap ng mga eksperto na mangangasiwa sa trial.

“Hopefully po ‘pag natapos ‘yung trial na ‘yan, ay magkaroon tayo ng mas reliable estimate ng epekto ng ivermectin bilang isang anti-viral agent na makakapag-reduce po nung virus shedding sa mga mild at moderate [COVID-19] patient,” saad ng kalihim.

Makikita rin aniya ang pagiging epektibo ng ivermectin sa tagal ng hospitalization ng COVID-19 patient.

Unang sinabi ng pinuno ng DOST, noong nakaraang linggo, na hindi kailangan itong ivermectin trial dahil “kakailanganin nito ng 6 buwan hanggang ilang taon,” at may 20 “halos kumpleto” at 40 “nagpapatuloy” na clinical trial tungkol sa parehong paksa worldwide.

The post DOST aprub na sa clinical trial ng ivermectin vs. COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/dost-aprub-na-sa-clinical-trial-ng-ivermectin-vs-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dost-aprub-na-sa-clinical-trial-ng-ivermectin-vs-covid)