Nanawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon ng ‘full transparency’ sa pork importation scheme ng bansa kasabay ng paghikayat sa Department of Agriculture (DA) na ibunyag ang listahan ng mga meat importer sa ilalim ng minimum access volume o MAV scheme.

“I call for complete transparency. If we are transparent, we can avoid people’s perception that there is corruption in pork importation,” pahayag ni Drilon, patungkolsa alegasyon ng “tongpats” o kickback sa importasyon ng karne ng baboy.

“Sino ang makikinabang? Saan manggagaling ang imported pork? Sino ang importer?” tanong pa ni Drilon sa panayam sa DZBB.

Ginawa ni Drilon ang pahayag isang araw bago ang nakatakdang pagdinig ng Senate Committee of the Whiole sa food security crisis dulot ng African Swine Flue outbreak.

Noong nagdaang buwan, pinagtibay ng Senado ang Senate Resolution No. 97 na humihikayat kay Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng State of National Emergency dahil sa matinding epekto ng African Swine Fever at pagkontra sa panukalang babaan ang atripa sa taripa at dagdag na maximum access volume (MAV) sa pork importation.

Sa gitna ng alegasyon ng korapsyon, sinabi ni Drilon na dapat ibunyag ng DA ang mga recipient ng meat import certificates sa ilalim ng MA scheme.

Ikinumpara ito ni Drilon sa rice importation scheme na nahaluan din ang alegasyon na katiwalian.

“Noong panahon ng rice importation control, marami kang naririnig na commission na galing doon sa mga bansa na binibilhan natin ng bigas. The same situation here. Sino ba ang importer at saan manggagaling?” ani Drilon.

Nauna nang naglabas ang pangulo ng Executive Order 128 na nagbabawas sa taripa sa fresh, chilled o frozen pork meat sa ilalim ng quota o MA sa limang porsiyento sa unagn tatlong buwan at 10 porsiyento para naman sa ikaapat hanggang 12 buwan.

Gusto din ng gobyerno na dagdagan ang MAV sa 350,000 metriko tonelda mula sa kasalukuyang 150,000 metriko tonelada.

“How would the additional MAV be allocated? What are the guidelines?” tanong pa nito.

The post Drilon sa DA: Listahan ng mga pork importer ilabas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/drilon-sa-da-listahan-ng-mga-pork-importer-ilabas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=drilon-sa-da-listahan-ng-mga-pork-importer-ilabas)