Lampas 300,000 kada araw ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa India, at ayon kay Health Secretary Francisco Duque III ay posibleng magkaroon din ng malalang surge sa Pilipinas.

Paliwanag ni Duque, sa oras na magpasaway ang mga Pinoy sa minimum health standard at hindi mapaigting ang COVID-19 response ay posibleng magkaroon ng muling pagsirit ng kaso.

“Pagka hindi tayo sumunod doon sa ating minimum health standards [and] if we do not intensify our COVID pandemic response like what has happened in India and also in some other countries where the second or third waves are being experienced, that is a big possibility,” saad ni Duque sa panayam ng ANC ‘Headstart’.

Naniniwala naman si Roque na kayang labanan ng bansa ang posibilidad ng COVID-19 surge basta’t tatalima ang mga Pinoy sa mga health protocol.

“We are not without the power to fight this. Simple interventions, face mask, face shields, physical distancing, proper ventilation, avoidance of people in superspreader events yung mga mass gathering lahat naman ito nandyan na,” ayon pa sa kalihim.

Nitong Huwebes ay pinag-utos na ang travel ban sa mga biyahero na nanggaling sa India hanggang May 14.

Saad naman ni Duque, wala pang nakikitang Indian variant na nakapasok sa Pilipinas.

The post Duque nanakot: COVID hawaan sa ‘Pinas puwedeng matulad sa India first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duque-nanakot-covid-hawaan-sa-pinas-puwedeng-matulad-sa-india/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duque-nanakot-covid-hawaan-sa-pinas-puwedeng-matulad-sa-india)