Tinabla ng Malacañang ang mungkahing palitan ang mga nangangasiwa sa pagtugon sa COVID-19 pandemic dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahahawa sa coronavirus sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na labag sa prinsipyo ng emergency medicine ang pagpapalit ng liderato sa kalagitnaan ng pandemya.

Wala aniyang mapapala ang bansa kung magpapadala sa mga mungkahi ng mga kritiko dahil seryoso ang problema sa COVID -19.

” Hindi po pupuwede iyan dahil iyan po ay ay magiging labag sa basic principle na kapag may pandemya, ibigay muna ang kinakailangan at huwag munang pag-usapan iyang liderato na yan,”ani Roque.

Batid ng kalihim na si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang tinutumbok ng mga kritiko pero hindi lamang aniya ang kalihim ang solong nagmamando sa pagtugon sa problema sa bansa.

Binigyang-diin ni Roque na lahat ng mga magagali na doktor at scientists sa bansa ay kasama sa covid response ng gobyerno.

“Hindi lang isang tao ang nagdedesisyon dito. Hindi lang si Dr. Duque ang involved dito.nKaya itinayo ang IATF, one- government approach ito,” dagdag ni Duque.

The post Duque palitan? ‘Di pwede ‘yan – Duterte spox first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duque-palitan-di-pwede-yan-duterte-spox/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duque-palitan-di-pwede-yan-duterte-spox)