Ngayong Biyernes, binakunahan na si Health Secretary Francisco Duque III laban sa coronavirus disease 2019.

Ayon sa PTV, tinurukan ang kalihim ng unang dose ng CoronaVac, ang COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese drugmaker na Sinovac.

Si Health Undersecretary Gerardo Bayugo anila ang nagbakuna kay Duque sa DOH Gymnasium.

Tinurukan ng bakuna si Duque, 64, dahil bahagi siya ng A2 priority group o ang mga senior citizen.

Bago ito, magugunitang pinagpaliban ng kalihim ang pagpapabakuna dahil gusto aniya niyang sundin ang prioritization framework ng pamahalaan.

The post Duque tinurukan ng Sinovac bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duque-tinurukan-ng-sinovac-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duque-tinurukan-ng-sinovac-bakuna)