Hanggang salita lamang umano ang gobyerno ng Estados Unidos subalit hindi kayang ipagtanggol ang Pilipinas.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People kaugnay sa isyu ng West Philippine Sea.

Sinabi ng Pangulo na walang ginawa ang Amerika para ipagtanggol ang Pilipinas laban sa China noong panahong nagkaroon ng stand-off sa mga pinag-aagawang teritoryo.

“In so many instances, puro salita lang that we stand by you. That would have been the moment to show to the world that they were with us by sending their superior ships. Bakit hindi nila ginawa?,” anang Pangulo.

Ang Amerika pa aniya ang nagpayo kay dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na umatras ang puwersa ng gobyerno sa Scarborough Shoal na ginawa naman pero naging hudyat ito sa Chinese force para angkinin ang isla.

Sinabi ng Pangulo na walang ginawa ang Amerika para tulungan ang puwersa ng gobyerno kaya hindi rin aniya nito ipapasubo ang mga sundalo sakaling magkaupakan sa pinag-aagawang teritoryo.

“Sabihin “we will stand by you”, kaya? Kung nagkaupakan doon, nandoon kayo? Wala. Yung Coast Guard ko lang. Ay anak ng jueteng, hindi ko ipapasubo iyang sundalo ko!,” dagdag ng Pangulo.

The post Duterte: Amerika puro salita, walang ginagawa kontra China! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-amerika-puro-salita-walang-ginagawa-kontra-china/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-amerika-puro-salita-walang-ginagawa-kontra-china)