Minaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kakayahan ng grupong 1Sambayan na pinangunahan ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio.

Sa kanyang regular na Talk to the People, sinabi ng Pangulo na walang alam sa pulitika si Carpio kaya huwag na itong sumali pa dahil tiyak na malalampaso lamang sa eleksiyon ang kanilang grupo.

“Yang si Carpio, huwag ka sumali sa politiko. Wala kang alam diyan, para kang buwang. Yung grupo mo 1Sambayan tingnan mo sa eleksiyon, malalampaso!,” anang Pangulo.

Puro aniya papel lamang ang ipinapakita ng grupo ni Carpio pero kung performance ang pag-uusapan ay walang maipagmamalaki ang mga ito sa mga Pilipino.

Hindi aniya gaya ng kanyang administrasyon na maraming nagawa para sa sambayanan,partikular na ang mga imprastrukturang itinatag at ginagawa ng DPWH ,at mga repormang ipinatutupad ng DILG, kasama na ang DSWD?

“What have you done sa Filipino? O kami, tignan mo report ng buong Pilipinas. Tingnan mo yung highway ni…tingnan mo DILG wala ng reklamo, wala ng corruption sa DSWD,” dagdag ng Pangulo.

Ang 1Sambayan ay koalisyon ng iba’t ibang grupo at personalidad na naghahangad na tumakbo sa 2022 national elections.

The post Duterte: Carpio walang alam sa pulitika first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-carpio-walang-alam-sa-pulitika/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-carpio-walang-alam-sa-pulitika)