Ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iba ang COVID-19 vaccine na nakalaan sa kanya.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang regular na Talk to the People, sa harap ng paghihintay ng gobyerno sa pagdating ng dagdag na bakuna para sa mga Pilipino.

Sinabi ni Pangulong Duterte na sitenta anyos na ito at mas mabuting ibigay ang bakuna sa mga mas mahaba pa ang buhay.

” Okay na ako, magwi-waive ako. Basta 70 above. Anong makuha mo magsige ka dream? Dream of what, living until kingdom come? Ako magwa-waive ako. Kung sino may gusto sa slot ko, ibigay ko,” anang Pangulo.

Hindi aniya siya natatakot mamatay dahil kung panahon na niya ay mangyayari talaga ito.

“I am that fatalistic actually. I have always been na kung panahon ko na either its COVID or a bala or whatever disgrasya. Wala akong masyadong ano diyan sa illusions about life and death,” dagdag ng Pangulo.

Sinabi ng Presidente na pagkatapos ng kanyang termino ay wala na itong ibang hangad pa kundi makasama ang pamilya .

Karamihan aniya sa mga senior citizen ay hindi na masyadong produktibo maliban na lamang sa mga nahalal na mga mambabatas sa Kongreso dahil mayroong trabahong dapat na gampanan.

“Ako after this, wala na akong…nothing to look forward to. Maybe spend a little bit time with the family, then time to go,” dagdag ng Pangulo.

Matatandaang noong wala pang COVID vaccine ay inihayag ng Pangulo ang kayang pagkainip na mabakunahan kung saan siya aniya ang unang magpapabakuna.

The post Duterte gustong ibigay bakuna niya sa iba first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-gustong-ibigay-bakuna-niya-sa-iba/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-gustong-ibigay-bakuna-niya-sa-iba)