Bistado na umano ng taumbayan si Senadora Leila de Lima sa kanyang mga ginawa kaya nagresulta ito sa kanyang pagkakulong.

Ito ang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang regular na Talk to the People matapos sagutin at banatan ang senadora sa pag-iingay nito ng hindi iton magpakita sa publiko ng mahigit dalawang linggo

Sinabi ng Pangulo na wala siyang pakialam kung makalaya man ang senadora dahil nakatatak na aniya sa mga Pilipino kung anong klaseng tao ito.

“Actually, it is not enough na okay na sa akin na maano ka. You can be freed for all I care. But people know you are a bitch, thats what you are. Matapang pa magsalita, akala mo sino,” anang Pangulo.

Hindi aniya matanggap ni de Lima na naging Presidente ito at may nagawa sa bayan at hindi pumayag na mapunta sa mga aso ang mga Pilipino.

Sinabi ni Pangulong Duterte na kung pinabayaan niyang mamayagpag ang illegal na droga sa bansa ay posibleng kontrolado na ng mga sindkato ng droga ang Pilipinas.

“Galit ka lang kasi naging Presidente ako. Galit ka lang kasi ako may ginawa sa bayan, galit lang kasi hindi ako pumayag na itong bayan ko pupunta sa aso. Kung wala ako ginawa, we would have been a narcopolitcs state. Iyong ginawa ko hindi mo kaya sa totoo lang, naghahanap ka lang ng isyu,” dagdag ng Pangulo

The post Duterte kay De Lima: Isa kang bitch first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-kay-de-lima-isa-kang-bitch/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-kay-de-lima-isa-kang-bitch)