Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sakripisyo ng medical frontliners kaalinsabay sa paggunita ng Victory of Mactan.

Sa kanyang recorded speech, sinabi ng Pangulo na ginugunita ng sambayanan ang katapangan at kabayanihan ng mga mandirigma ng Mactan sa pangunguna ni Lapu-Lapu na lumaban sa pananakop ng mga Espanyol limang daang taon na ang nakaraan.

” Five centuries ago, Lapu Lapu and the brave warriors of Mactan fearlessly fought of foreign invaders who threatened their cherished way of life.

Today,we remember their gallantry by honoring the worthy heirs of Lapu-Lapu’s legacy,” anang Pangulo.

Magsilbi sanang inspirasyon aniya sa mga Pilipino ang tapang at sakripisyo ng mga bayani ng kasaysayan at bayani ng kasalukuyang panahon para maging matatag laban sa kinakaharap na pagsubok sa pandemya.

Sinabi ni Pangulong Duterte na matapang na hinaharap ng mga medical frontliner ang panganib sa COVID-19 para lamang masiguro ang kaligtasan ng kapwa Pilipino.

“Our medical and essential frontliners who in face of danger caused by COVID-19 pandemic continue to risk their lives, their own lives to ensure for the safety of their fellow Filipinos,” dagdag ng Pangulo.

Hangad ng Pangulo ang makabuluhang komemorasyon ng Victory of Mactan, lalo na aniya sa idol nitong si Lapu-Lapu.

“I wish everyone a meaningful commemoration. Mabuhay ang sambayanang Pilipino. Mabuhay ang idol kong si Lapu-Lapu,” wika ng Pangulo.

The post Duterte kinilala sakripisyo ng mga frontliner sa ika-500 anibersaryo ng ‘Labanan sa Mactan’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-kinilala-sakripisyo-ng-mga-frontliner-sa-ika-500-anibersaryo-ng-labanan-sa-mactan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-kinilala-sakripisyo-ng-mga-frontliner-sa-ika-500-anibersaryo-ng-labanan-sa-mactan)