Patuloy umanong nai-inspire si Pangulong Rodrigo Duterte sa dedikasyon ng mga COVID-19 frontliner sa laban sa pandemya.

Sa isang pahayag ngayong Abril 9, binanggit din ng pangulo na ang Araw ng Kagitingan ay isang paalala sa determinasyon ng Pilipino na mapangibabawan ang lahat ng uri ng paghihirap.

“This day is a firm reminder of the unyielding determination of the Filipino to prevail over all forms of adversity,” ani Duterte ngayong Biyernes.

“The valor of our forebears, which was exhibited during the defense of Bataan almost eight decades ago, has left an indelible mark in our history and shaped our indomitable spirit to rise after every fall,” dagdag niya.

Hinikayat rin ni Duterte ang mga Pinoy na pagpugayan ang mga frontliner na nagsasakripisyo sa panahon ngayon, gaya ng mga ninuno nila na dinepensahan ang Bataan noong World War 2.

“As we continue to overcome the COVID-19 pandemic, we take a moment to honor the fortitude displayed by our selfless and dedicated frontliners whose unrelenting commitment in this fight reflects the heroism of the warriors of Bataan that continues to inspire in us a greater sense of patriotism and solidarity during these trying times,” ayon sa pangulo.

“Today, we honor our fallen soldiers whose sacrifice became the bedrock of our resolve to uphold our most cherished liberties.”

“May this awareness resonate among us as we strive to become worthy heirs to the nation that they fought and bled for,” saad niya pa.

The post Duterte: Lakas ng loob ng COVID frontliners ipagbunyi first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-lakas-ng-loob-ng-covid-frontliners-ipagbunyi/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-lakas-ng-loob-ng-covid-frontliners-ipagbunyi)