Inaasahang makikita sa publiko sa Lunes, April 12 si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na sa Lunes gagawin ang regular na Talk to the People ng Pangulo at inaasahang masisilayan ito ng publiko.

Isang maiksing text message ang isinagot ni Roque matapos tanungin kung magpapakita ba sa publiko ang Presidente sa kanyang susunod na Talk to the People.

Huling nagkaroon ng public appearance ang Pangulo bago ang Semana Santa kaya lumutang ang mga haka-haka at tsismis na nagkaroon umano ito ng mild stroke.

Pero agad namang kinontra ito ng mga opisyal ng gobyerno at naglabas rin si Senador Bong Go ng mga larawan ng Presidente na ipinapakitang nagtatrabaho ito sa kanyang official residence sa Bahay Pagbabago.

Maging si Presidential Security Group (PSG) Chief Brigadier General Jesus Durante III ay nagsabing maayos ang kundisyon at kalusugan ng Presidente at pinapaiwas lamang ito sa peligro dahil maraming PSG personnel ang nagpositibo sa COVID-19.

The post Duterte magpapakita na sa Lunes first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-magpapakita-na-sa-lunes/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-magpapakita-na-sa-lunes)