Magmemensahe si Pangulong Rodrigo Duterte sa madla mamayang gabi, ayon sa kanyang tagapagsalita.

Dagdag ni presidential spokesperson Harry Roque ngayong hapon, tatalakayin ni Duterte sa “Talk to the People” ang napag-usapan nila sa telepono ni Russian President Vladimir Putin.

Binanggit din ni Roque na wala nang magagawa ang mga kritiko sa sadyang hindi pagpapakita ni Duterte sa mga Pinoy nang halos dalawang linggo, sa kasagsagan ng COVID-19 surge.

“Wala po kayong magagawa. Iyon ang paniniwala ng presidente. Lalo siyang ginigipit, lalo siyang lalaban. Hayaan na po natin ‘yun, estilo ni presidente ‘yun,” aniya pa.

The post Duterte may ‘Talk to the People’ mamaya first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-may-talk-to-the-people-mamaya/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-may-talk-to-the-people-mamaya)