Nainis na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ayaw magpaturok ng COVID vaccine sa harap ng patuloy na pagtaas ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Sa kanyang Talk to the People nitong Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na walang problema sa kanya kung ayaw ng iba na magpakuna, subalit isipin ang peligro sa mga posibleng mahawaan ng mga ito.

Hindi naitago ng Presidente ang pagkainis dahil sa kabila ng pagsisikap ng gobyerno na makakuha ng dagdag na supply ng bakuna ay marami pa rin ang umaayaw.

” May mga iba diyan na ayaw talaga magbakuna, edi okay lang yan sa akin. Sabihin mo eh ayaw ko kasi hindi naman ako naniniwala diyan. If I were to talk to you in gutter language, sabihin ko sa yo p***i** mo, mamatay ka na kung gusto mo limang beses,” anang Pangulo.

Maraming Pilipino aniya ang ayaw mamatay at ang inaalala ng gobyerno ay ang peligro na makahawa ng COVID-19 ang mga hindi naniniwala sa bakuna.

“Yung ayaw pang mamatay gusto pang magpasyal sa Luneta. Ikaw kung nagsawa ka na sa sa buhay, sumobra na yang pera mo, kung sawa ka na talaga sa buhay na ito, gawin mo yan. Iyon ang problema ng contamination,” dagdag ng Pangulo.

Kaya aniya marami ang namamatay sa Brazil dahil marami ang hindi nagpapabakuna habang nagkakandarapa ang Pilipinas kung saan mabilis na makakuha ng bakuna para sa kaligtasan ng sambayanan.

Sinabi ni Pangulong Duterte na dapat makipagtulungan ang bawat isa at magpabakuna para matiyak na hindi malagay sa peligro sa COVID-19 ang buhay ng maraming Pilipino.

The post Duterte nagpatama sa mga ayaw magpabakuna: Mamatay ka na kung gusto mo! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-nagpatama-sa-mga-ayaw-magpabakuna-mamatay-ka-na-kung-gusto-mo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-nagpatama-sa-mga-ayaw-magpabakuna-mamatay-ka-na-kung-gusto-mo)