Kinalma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko kaugnay sa patuloy na pananalasa ng COVID-19 sa bansa.

Sa kanyang Talk to the People nitong Huwebes ng gabi, sinabi ng Pangulo na hindi dapat na maalarma ang publiko sa ulat na nagkakaubusan ng kama sa mga pagamutan dahil sa dami ng mga tinatamaan ng COVID-19.

May mga ginagawang hakbang aniya ang gobyerno para tugunan ang mga problemang epekto ng COVID pandemic kaya hindi dapat na panghinaan ng loob ang mga tao.

“Kayong mga kababayan ko, huwag kayong matakot diyan sa ano. Hindi naman tayo walang -wala eh. We are not really at a total loss of what to do. We know what to do,” anang Pangulo.

Marami lang aniyang maiingay sa isyu ng COVID pero walang panahon ang gobyerno na makinig dahil abala ang lahat sa pagtugon sa problema sa COVID-19.

Sinabi ni Pangulong Duterte na mayrong solusyon sa kinakaharap na matinding pagsubok pero wala pa sa ngayon ang bakuna dahil kinuha ng mga mayayamang bansa.

“Kailangan ninyo kami marinig. Baka sabihin ninyo baka wala na nga talagang solusyon ito. Meron ho. Government is busy doing everything, not nothing. The government is trying to get the things to fix all of us, iyong mga bagay ngayon, nandiyan pero wala sa ating mga kamay,” dagdag ng Pangulo.

The post Duterte sa publiko: Huwag matakot, mayroong solusyon sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/duterte-sa-publiko-huwag-matakot-mayroong-solusyon-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=duterte-sa-publiko-huwag-matakot-mayroong-solusyon-sa-covid)