Masasayang lang umano ang pagsasakripisyo ng mga lugar na isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) kung hindi lalawakan ng gobyerno ang healthcare capacity at COVID-19 testing ng bansa.

Ayon kay House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda maaaring gamitin ng gobyerno bilang force multiplier ang mga telemedicine facilities na dapat ay mas dumami ang pasyenteng kayang kausapin at matulungan.

Ang tulong sa mga nahawa ng COVID-19 na maaaring mag-quarantine sa bahay ay dapat umanong nakahanda at hindi lamang limitado sa ayuda kundi dapat may kasamang gamot at oxygen tank.

Nasa 10% lamang umano ng isolation centers na itinayo ng gobyerno ang nagagamit kaya dapat ay ihanda na rin ito ang mga ito upang magamit na hospital ward.

“We need to consider fully equipping our isolation centers so that they can also already serve as treatment centers for non-severe cases,” ani Salceda.

Kung magpapatuloy umano ang lockdown ay masasakal muli ang ekonomiya kaya kung gagawin ito ay dapat hindi masayang ang pagsasakripisyo.

“The very premise of extensions is that they are time bought to prepare a stronger healthcare response. If there will be no changes in our ICU capacity, we will merely be deferring new surges of infection for later,” dagdag pa ng solon. “So, if we will extend the lockdown for another round, we should make the extension worth the pain.”

The post ECQ balewala lang kung ‘di palalakasin healthcare, testing – Salceda first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ecq-balewala-lang-kung-di-palalakasin-healthcare-testing-salceda/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ecq-balewala-lang-kung-di-palalakasin-healthcare-testing-salceda)