Umapela si Senador Panfilo Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang kautusan na babaan ang taripa sa imported na baboy dahil may “double dead” effect aniya ito sa local hog industry at sa kita ng gobyerno.

“On behalf of the hog raisers, we urgently appeal to the President to reconsider and recall such executive order,” pahayag ni Lacson sa kanyang opening statement sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole sa food security crisis dulot ng African Swine Flu (ASF) outbreak.

“Botcha o double dead ang epekto ng EO (executive order) 128. Bakit? patay ang lokal na industriya ng baboy patay din ang koleksyon ng taripa ng gobyerno,” dagdag pa nito.

Noong nagdaang linggo, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Exeuctie Order No. 126 na pansamantalang nagbabasa sa taripa ng pork import sa layuning marsolba ang kakulangan ng suplay sa bansa.

Bukod diyan, inirekomenda din ni Duterte, sa kanyang liham sa Congreso, na dagdagan ang mnimum access volume (MAV) sa 350,000 metriko tonelda mula sa kasalukuyang 54,210.

Subalit ayon kay Lacson, sapat umano ang suplay ng baboy sa bansa nitong nagdaang tatlong taon para mapunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.

Batay sa datos na prinisenta ng senador sa pagdinig, ang taunang average na nakokonsumo sa karne ng baboy mula sa 2018 hanggang 2020 ay 1.85 metriko tonelda (MT) habang ang taunang average ng local production nito ay 2.25 MT.

“So where is the shortage, Mr. President? Hindi man malinaw na higit pa sa sapat ang supply mula sa local na production upang matugunan ang pangangailangan ng ating bansa?” ani Lacson.

“Ito ay sa kabila ng umiiral na African Swine Fever (ASF) na nagsimulang nakapasok sa bansa noon pa mang Agosto 2019 na siyang ginawa nilang pangunahing dahilan sa pagkumbinsi kay Presidente Duterte upang pirmahan ang nasabing EO 128,” wika pa nito.

Sa nakalap na datos mula sa Bureau of Custom, napag-alaman ni Lacson na ang inangkat nating produktong baboy ay higit 265,000 metric tons noong 2018; 250,000 metric tons noong 2019; at 76,000 metric tons naman noong 2020.

Lumalabas aniy na hindi nga kailangang mag-angkat kahit isang kilo na kukunin sa 54,000 metric tons “in-quota” na MAV dahil ang official records ng gobyerno mismo ang nagsasabing sobra-sobra nga ang lokal na produksyon ng baboy.

“Listen to this Mr. President – 403,000 metric tons kada taon upang matugunan ang pangangailangan ng bansa. Bakit, ino-obliga ba tayo sa ilalim ng WTO na mag-angkat ng kaukulang quota kahit hindi na natin kailangan? We checked, Mr. President, mukhang hindi naman,” ayon kay Lacson.

“So, can we conclude that it is only because of the penchant and whim of the Department of Agriculture to import that made them do it? Maybe the bigger question is why? Or, magkano?” sambit pa nito.

The post EO 128 na nagbababa sa pork tariff bawiin – Lacson first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/eo-128-na-nagbababa-sa-pork-tariff-bawiin-lacson/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=eo-128-na-nagbababa-sa-pork-tariff-bawiin-lacson)