Panawagan ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Malakanyang na ibasura o tuluyan nang bawiin ang inilabas nitong EO No. 128, na layong itaas ang Minimum Access Volume (MAV) para sa pork imports ngayong taon at ang pagbabawas ng import tariff para sa fresh, chilled o frozen pork.

“Lahat ng mga hog raisers o magbababoy ay tutol sa EO 128 pero itinuloy pa din ng Malacanang. Bakit ba palaging ang default reaction ng Duterte administration, lalo na ng DA, ay palagi ang pag-iimport at hindi ang tulungang paunlarin ang mga magsasaka at local na producers ng ating bansa,” ayon kay Zarate.

Ayon kay Zarate, ang naturang habkang na ito umano ng pamahalaan ay lalo umanong ibinabaon ang sektor ng agrikultura sa hukay dahil inaasahan na naman pagbaha ng frozen pork sa bansa na wala namang katiyakan na bababa din ang presyo nito sa merkado.

Bukod dito, libo libong Filipinong nakadepende lamang sa pork industry bilang kanilang pagkakitaan ang magsasara na nangangahulugan na marami na naman ang mawawalan ng trabaho.

“Importation is suppose to be the government’s last resort in dealing with the rising prices. What should have been done first was to increase support for our local hog and pou─║try raisers so that they can also recover and increase their production,” ayon kay Zarate kasabay ng pagsasabing,” Wala na ba talagang pakialam ang DA sa kapakanan ng lokal na agrikultura o talagang malakas lang sa kanila ang mga nagtutulak at kikita ng malaki dito sa importation?”

Dahil dito, giit ni Zarate, “We will push for the immediate withdrawal to EO 128 and call on Congress to take a pro-active action to save and protect our local hog raising sector.”

The post EO 128 pinababasura ni Zarate first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/eo-128-pinababasura-ni-zarate/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=eo-128-pinababasura-ni-zarate)