Nakatakda nang ilabas ng ospital si dating Pangulo Joseph ‘Erap’ Estrada.

Sa medical bulletin na ipinost ni Jinggoy Estrada, inanunsyo nito ang pag-discharge sa kanyang ama ngayong Lunes, April 26.

“Our family is overjoyed to announce that our father will finally be discharged from the hospital today,” ayon kay Jinggoy.

“We would like to express our gratitude to his doctors for their expertise and care.”

Matatandaan na noong Marso ay sinugod sa ospital si Erap matapos itong dapuan ng COVID-19.

April 13 ay nagnegatibo na ito sa new coronavirus, ngunit kinailangang maibalik sa intensive care unit sa nakitang impeksyon sa baga.

The post Erap ilalabas na sa ospital first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/erap-ilalabas-na-sa-ospital/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=erap-ilalabas-na-sa-ospital)