Muling nilagay sa intensive care unit (ICU) si dating President Joseph ‘Erap’ Estrada.

Sa nilabas na medical bulletin ni dating Senador Jinggoy Estrada, sinabi nito na nakita ng mga doktor na nagkaroon ng bacterial lung infection ang kanyang ama.

“He has been brought back to the regular ICU (non covid) for monitoring and support of his blood pressure which fluctuated due to the said infection,” saad ni Jinggoy.

“But overall, he is stable with high flow oxygen support.”

#9
MEDICAL BULLETIN OF FMR. PRES. JOSEPH EJERCITO ESTRADA:

We wish to announce that my father had a slight set back…

Posted by JE Estrada on Thursday, April 15, 2021

Matatandaan na noong Martes ay nagnegatibo na sa COVID-19 si Erap, dahilan para mailipat na ito sa regular na ospital room bago madiskubre ang impeksyon.

The post Erap nakitaan ng impeksyon, binalik sa ICU first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/erap-nakitaan-ng-impeksyon-binalik-sa-icu/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=erap-nakitaan-ng-impeksyon-binalik-sa-icu)