Patuloy ang paggaling ni dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada matapos itong tamaan ng COVID-19.

Sa nilabas na medical bulletin ni Jinggoy Estrada, sinabi nito na negatibo na ang resulta ng repat RT-PCR test para sa kanyan ama.

“We are happy to announce that my dad continues to improve and we expect that he can be transferred to a regular room soon,” saad ng dating mambabatas.

Gayunpaman, nakasalang pa rin sa oxygen support ang dating Pangulo ngunit higit na mas mababa na ang rate nito.

Maari na ring kumain si Erap ng soft diet, at nakakausap na ng normal.

“Again, we thank everyone for their continous support and love and ask that you continue to pray for him and others who are afflicted with this awful and dreaded disease,” ayon pa kay Jinggoy.

The post Erap negatibo na sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/erap-negatibo-na-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=erap-negatibo-na-sa-covid)