Patuloy ang pag-ayos ng kondisyon ni dating Pangulong Erap Estrada na nagpapagaling matapos tamaan ng COVID-19.

Sa nilabas na medical bulletin ni dating Seandor Jinggoy Estrada, sinabi nito na tinanggal na ang ventilator support sa kanyang ama ngunit nangangailangan pa rin ito ng high flow oxygenation.

“While we thank his doctors for their excellent care, we give all the credit to Our Lord Almighty and enjoin everyone to continue praying for my father,” ayon kay Jinggoy.

https://www.facebook.com/jinggoy.estrada.14661/posts/1076306802893234

Aniya pa, malayo-layo pa ang kanilang laban kontra COVID-19 bago tuluyang masabi na mabuti na ang kalagayan ni Erap.

Sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live, binahagi ni Jinggoy na bukod sa COVID-19, ginagamot din si Erap sa sakit na Chronic Obstructive Pulmonary Disease.

The post Erap umaayos kondisyon, tinanggal na sa ventilator first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/erap-umaayos-kondisyon-tinanggal-na-sa-ventilator/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=erap-umaayos-kondisyon-tinanggal-na-sa-ventilator)