Isang dating manlalaro ng National Football League ang hinihinalang namaril at kumitil ng limang tao, kabilang ang isang 5-anyos na babae, bago siya nag-suicide.

Kinilala ng otoridad ang suspek na si Phillip Adams, dating cornerback ng San Francisco 49ers.

Sa ulat ng BBC News, sinabing Miyerkoles nang pagbabarilin umano ni Adams ang 5 biktima sa Rock Hill, South Carolina, US.

Ang mga biktima ay sina Dr. Robert Lesslie, 70; kanyang misis na si Barbara Lesslie, 69; mga apo na sina Adah Lesslie, 9, at Noah Lesslie, 5; at manggagawa na si James Lewis, 38.

Ayon sa pulisya, nakatira ang mga magulang ng suspek malapit sa bahay ng doktor.

Tapos, sa kasagsagan umano ng pangungumbinsi ng otoridad na kusa na siyang lumabas ay binaril ni Adams ang kanyang sarili sa isang kwarto roon.

Sa ngayon, hindi pa batid kung ano ang motibo sa pamamaslang.

Samantala, may nilunsad na hotline para sa mga Pinoy na may katanungan tungkol sa mental health, kinakailangan ng counseling, may kinahaharap na suliranin, o nanganganib na kitlin ang sariling buhay:

National Center for Mental Health 24/7 Crisis Hotlines
Mobile: 0917-899-8727
Landline: (02) 7-989-8727 o 1553 (toll-free)

The post Ex-NFL player hinihinalang pumatay ng 5 bago nag-suicide first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ex-nfl-player-hinihinalang-pumatay-ng-5-bago-nag-suicide/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=ex-nfl-player-hinihinalang-pumatay-ng-5-bago-nag-suicide)