Labag sa batas ang pamamahagi ng hindi rehistradong produkto, ayon sa Food and Drug Administration.

Ginawa ni FDA director general Eric Domingo ang pahayag matapos ianunsiyo ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang plano nitong mamigay ng libreng Ivermectin sa mga residente ng Quezon City.

Sa ngayon, rehistrado ang Ivermectin panggamot sa maraming uri ng parasite at worm infestations sa mga hayop.

“Kung unregistered po kasi, bawal po talaga iyon o unauthorized. ‘Di ko po alam baka meron silang compounding pharmacy na kausap na magrereseta at gagawin,” ani Domingo sa ABS-CBN’s Teleradyo, Martes.

“Siguro alam naman po nila ano ang batas. Hintayin natin ang detalye. Meron naman pong pamamaraan na puwede, pero ‘pag unauthorized po, hindi po talaga,” lahad niya pa.

Una nang pinunto ng FDA at ng Department of Health na lumabas sa pag-aaral ng Philippine COVID-19 Clinical Practice Guidelines na hindi magagamot ng Ivermectin ang COVID-19.

The post FDA kay Defensor: Bawal mamigay ng ‘di rehistradong gamot first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/fda-kay-defensor-bawal-mamigay-ng-di-rehistradong-gamot/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=fda-kay-defensor-bawal-mamigay-ng-di-rehistradong-gamot)