Naghain si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao ng isang panukala na naglalayong magbuo ng isang sistema kung saan magtutulungan ang gobyerno at pribadong sektor para labanan ang kagutuman sa bansa sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa Senate Bill No. 364 o Food Waste Reduction Act, ipinaliwanag ni Pacquiao na hindi na kailangan pang pumili ng mga tao sa mga community pantry para makakuha ng pagkain dahil gagawa ng sistema ang pamahalaan kung saan tatanggap sila ng donasyon ng sobrang pagkain.

“It is ironic that while there are millions of Filipinos who are experiencing involuntary hunger, the amount of food that go to waste every day is staggering,” sabi ni Pacquiao sa kanyang panukala.

“The bill seeks to address the food wastage and hunger in the country by requiring food businesses to donate their safe and edible excess food to food banks and charities and to recycle the inedible food surplus into fertilizer or compost instead of disposing the same,” dagdag pa nito.

Sa report ng World Wide Fund for Nature (WWFN) Philippines, sinabi ni Pacquiao na mahigit 2.4 milyon pamilyang Pinoy ang nakakaranas ng involuntary hunger sa unang bahagi ng 2019.

Sinabi din sa naturang pag-aaral na 13 milyong Pinoy ang hindi nagagawang makakain ng tatlong beses sa isang araw at isa sa tatlong Pinoy household ang maikokonsiderang sapat ang pagkain sa pang-araw-araw.

Sa kabila nang maraming nagugutom ng mga Pilipino, mahigit sa 3.29 kilo ng bigas ang nasasayang ng bawat Pilipino kada taon, sapat na paraan pakainin ang 4.3 milyon katao.

“Food wastages generate not only economic concerns but also environmental concerns given its contribution to increased greenhouse gases, deforestation, among others. While the Philippines has excess supply of edible food, 13 million Filipinos cannot afford three meals a day,” sabi ni Pacquiao sa explanatory note ng kanyang panukala.

“This edible food surplus, instead of being thrown away and wasted should be better utilized by donating it to the millions of hungry Filipinos while the inedible food surplus be recycled as raw materials for compost or fertilizer,” dagdag nito

Sa ilalim ng panukala ni Pacquiao, ang mga food manufacturer, food establishment tulad ng restaurant, café, diner, fast food chain, hotel, culinary school, market at iba pang food distribution center ay obligadong mag-donate ng sobrang pagkain sa mga Pinoy na kinukonsiderang “food insecure”.

The post Food donation bank solusyon sa gutom – Pacquiao first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/food-donation-bank-solusyon-sa-gutom-pacquiao/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=food-donation-bank-solusyon-sa-gutom-pacquiao)