Agaw-eksena ulit ang isang lalaki na nakasuot ng ‘Spider-Man’ costume, ngayon naman ay habang namimigay siya ng libreng goods sa itinatag niyang community pantry.

Noong Mayo 2019, naging laman ng balita si Paolo Felizarte matapos niyang magtatakbo sa loob ng basketball court habang nangyayari ang Game 5 ng PBA Philippine Cup Finals, suot ang nasabing costume at bitbit ang karatulang may nakasulat na “Vote. Love. Love PBA. Love Philippines.”

Nito namang Martes, Abril 27, 2021, kasama si Paolo sa mga namigay ng goods sa community pantry, na tinayo niya at ng kanyang mga kapamilya at kaibigan sa Barangay Pamplona Dos.

Namigay din sila ng “pasalubong” sa mga bata sa lugar, kabilang ang pizza at donuts.

Napaulat na ang pinanggastos nila sa kiddie pantry ay pondong naipon nilang magkakaibigan mula sa isang online Mobile Legends Tournament.

Samantala, mula sa isang Maginhawa Community Pantry sa Quezon City ay meron nang 815 community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa, batay sa Saan Yan PH.

BASAHIN:

Maginhawa pantry drop-off point na ng donasyon

‘Community pantry’ para sa mga hayop itinayo sa QC

Soju pinamigay sa Antipolo community pantry

The post Gamit prize sa ML game, Spiderman nagtayo ng community pantry first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gamit-prize-sa-ml-game-spiderman-nagtayo-ng-community-pantry/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gamit-prize-sa-ml-game-spiderman-nagtayo-ng-community-pantry)