Pinaniniwalaan ng isang doktor na mabisa ang Leronlimab para sa mga pasyenteng matinding tinamaan ng COVID-19.

Ayon kay UP associate clinical professor for surgery Dr. Randy Nicolas, ang naturang anti-inflammatory drug ay ang gamot na pinainom kay dating Pangulo Joseph ‘Erap Estrada nang ito’y dapuan ng new coronavirus.

Saad ni Nicolas, maganda ang naitulong ng Leronlimab para maayos ang paghinga ni Erap.

“The biggest improvement was actually his respiration. His demand for oxygen was less. He was able to get off the ventilator. He continued to improve,” saad ni Nicolas sa panayam ng ANC.

“And after the second dose when he was admitted to the ICU, he again showed the same pattern of improvement, approximately 35 to 52 hours after the second dose. That’s what we see in our patients as well,” aniya pa.

Ang naturang gamot ay ginagamit laban sa HIV, kung saan sinabi ni Nicolas na walang nakitang side effect sa limang taon na paggamit ng Leronlimab.

“When I look at the science, I was thoroughly convinced that leronlimab is truly the drug of choice for severe, critical COVID,” saad pa ng doktor.

The post Gamot ni Erap binida kontra COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gamot-ni-erap-binida-kontra-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gamot-ni-erap-binida-kontra-covid)