Maaari umanong luwagan ng gobyerno ang quarantine status sa NCR Plus simula sa susunod na buwan kung dadami ang hospital bed nito para sa mga COVID-19 patient.

“The soonest, of course, would be May, starting May,” ani DTI Secretary Ramon Lopez sa ANC, nang tanungin kung kailan pwedeng tumungo ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa general community quarantine.

Dapat muna aniyang malutas ng gobyerno ang high occupancy rate sa mga ICU ng mga ospital para sa severe COVID-19 cases, at dapat din munang episyenteng mag-contact trace bago mag-GCQ.

“We believe if we are able to really ramp up the ICU beds, ‘yung healthcare system, commitment ‘yun. At the same time, really have an efficient contact tracing,” saad ni Lopez.

“But if we need more time for that, assuming cases are still up, of course, hindi pwedeng basta ka lang mag-GCQ on May 1. ‘Yan yung mga binabalanse natin. ‘Pag na-solve natin ‘yun, possible May 1. If not, May 15,” paliwanag pa niya.

Mananatiling nakasailalim ang NCR+ sa modified enhanced community quarantine hanggang Abril 30.

The post GCQ sa NCR+ sa Mayo posible – DTI first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gcq-sa-ncr-sa-mayo-posible-dti/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gcq-sa-ncr-sa-mayo-posible-dti)