Hangad ng Pilipinas na mabigyan ng COVID-19 vaccine ang publiko simula Agosto.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., inaasahan ng pamahalaan na matapos sa pagbabakuna sa A1 (mga healthcare worker), A2 (mga senior citizen edad 60 pataas) at A3 (mga may comorbidities) sa simula ng Hulyo.

Balak naman aniya nilang simulan ang pagtuturok ng bakuna sa A4 (economic personnel) at A5 (indigent population) priority groups sa Hunyo.

“Sa August, we are targeting na kapag dumagsa na ang ating mga vaccines, pwede na tayong magkaroon ng… general public vaccination na tayo by August kasi mayroon na tayong mga eksakto na mga bakuna,” ani Galvez.

The post General public target mabakunahan sa Agosto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/general-public-target-mabakunahan-sa-agosto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=general-public-target-mabakunahan-sa-agosto)