Dumalaw si Gerald Anderson at nagbigay-suporta sa isa sa mga bagong sub-station ng Philippine Coast Guard.

Ayon sa PCG, Miyerkoles, pumunta ang aktor sa PCG Sub-Station Botolan sa Zambales kahapon, Abril 27.

Dala umano ni Anderson, na isa ring Lieutenant Commander ng Philippine Coast Guard Auxiliary, ang ilang construction materials, gaya ng semento, hollow blocks, at coco lumber para makatulong sa pagsasaayos ng gusali na nagsisilbing opisina ng mga deployed PCG personnel sa Botolan.

“Sa kaniyang pagbisita, ipinahayag ng aktor ang suporta sa operasyon ng PCG Sub-Station Botolan,” ulat ng PCG sa Facebook.

Ayon umano kay Gerald, tiyak na mapapalawak ng nabanggit na PCG unit ang seguridad sa katubigan ng Zambales.

The post Gerald binisita bagong PCG sub-station first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/gerald-binisita-bagong-pcg-sub-station/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gerald-binisita-bagong-pcg-sub-station)